Bago ako napadapad sa kolehiyo e, syempre dumaan muna ako sa madugong labanan, este sa masayang elementary life. Ako yung tipo ng bata na hindi namamansin ng kaklase, katabi, at mga tinderang matiyagang pumapasok sa klasrum para magbenta ng tikoy, pastilyas, at kung anu-ano pa. Ang hilig ko lang naman nung bata pa ko ay tiisin ang gutom at ibili ang baon ng mga laruan sa labas ng school na alam ng lahat na madaling masira. Kung simpleng estudyante ka rin na nagtitipid kaya nag-aral sa pubic school, malamang dumaan ka rin sa mga karanasan ko. (nagtitipid ang ginamit ko kasi parang pangit naman pag “mahirap”). Eto yung ilang karanasan ko sa elemetarya. Una na syempre yung mga nag-iiyakang bata na takot iwan ng mga magulang nila sa school. Eto pa. ang mga nakakatawang, nakaka-awang, nakakadiring inabutan ng hilab ng tiyan sa kasrum. Gigil na gigil sa kanila ang mga guro. Pero paglipas naman ng taon ay nawawala ang mga ganoong kaugalian ng mga bata.
Dito naman papasok ang “high school life”. Ang pinaka-masayang bahagi ng buhay estudyante. Di ko akalaing sa mabilis na apat na taon ko sa ‘timoteo paez’ ay magagawa ko ang mga karumal-dumal na gawain ng isang estudyante. Pero hindi ako naninigarilyo o nagdadala ng red horse sa C2 bottle kung yun ang akala mo. Ang hobby ko ay tumambay at mang-asar ng teacher. Saksi din ang school sa pagsulat ng pangalan ng crush sa desk. Heto pa, kung hindi mo pa nagawang paupuin ang teacher mo at ikaw ang magturo.. ako nagawa ko na (pinag-yabang pa ang kalokohan e, no?!). Saksi ang mga kaibigan kung ano talaga ako. Pero wala na sila ngayon sa tabi ko para umalalay dahil kailan lang ay naganap ang malungkot na yugto ng buhay “high school”,.. ang graduation (playing: FRIENDS FOREVER by: vitamin c) naiiyak ako.. :’( di ko malilimutan ang mga kaklase ko at ang mga kategorya nila. Nariyan ang mga ‘paparazzi’, ang mga classmate kong halos lahat ng sulok ng room ay may picture. Mga ‘boy and kris’, ang lakas nila sumagap ng tsismis pati sa ibang section. Mawawala ba ang mga ‘jimmy neutron’ halos sambahin ang guro. Oo, matalino pero kadalasan ay masungit. ‘jokers’ mga clown ng klase. Baka tulala lang ang mga estudyante kung wala silang ganito. Ang huli ay mga laging tulog. Mga kaanak ni Sandy Cheeks to. Naghi-hibernate sa lecture. (miyembro ako nito) :-0 …………. ……………… ………………… ………………… ……………………. AY!! Pasensya na muntik ako makatulog.. J pero sila talaga ang ilan sa dahilan kung ano ako ngayon.
Nang ma-survive ko ang apat na masayang taon sa high school,. College na rin!! Eto ako at buhay pa naman at humihinga. Akala ko dati hindi ko kaya pero heto akooo……. Basang-basa sa ulaaannn…. Walang masisilungan… wal-. Oops! Pesensya uli.. nadala ako ng emosyon. Bilang freshmen at PUPian, sisikapin ko na maging isang hwarang (huwaran yun. Idol ko kasi si hwarang hyoo shin) na estudyante. Napansin mo bang hindi ko binanggit ang pangalan ko mula kanina? Nga pala, ako si Rameses C. Banzuela Jr. laking smokey mountain Tondo, Mla. Dapat tandaan mo na ako ngayon palang dahil pag-graduate ko ng advertising ay makikita mo na ang pangalan ko sa mga sikat na komersyal. Sabi nga nila, “kung may tiyaga, malansa pa sa isda” ha? Anu daw? A basta. Patutunayan ko sa mundo—okay sige.. sa inyo muna.. masayadong malaki ang mundo eh,, na ako, isang batang puno ng pangarap at may weird na pangalan ay magtatagumpay.
Napaghandaan ko na ang buhay sa college. Pinanday na ako noong elemantarya, hinulma sa mataas na paaralan, at ngayon ay mamasahin ng kolehiyo. Oo, hindi ko kayang lumipad. Hindi rin ang magbuhat ng kotse o, maski mag- laser vision. Ganun man ay ipapakita kong kaya kong harapin ang bagong yugto ng aking buhay. Ang buhay kolehiyo.
:)
No comments:
Post a Comment