Isang makasaysayang araw ang naganap nitong Lunes. Ang kauna-unahangang SONA ni PNoy. Bilang estudyante syempre masaya akong umaasa sa mga pangako ni pangulo. Pero bakit ganun? may ilang estudyante na inis dahil lang may pasok. Sa eskuwelahan ko nga eh kalat na naman ang mga aktibista at lumalaban ng walang pinaglalaban. Kung nakinig kayo, mariing sinabi ni PNoy na bukas sya sa hinaing ng bayan. Alam ba nilang bihira ang presidente na piniling danasin ang trapiko ng walang wang-wang? (malamang kung sa Gibo ang nanalo, pupunta syang Quirino ng naka-eroplano) ----sulong Gibo--- Ang presidenteng nangako sa harap ng kanyang magulang, sa bayan, at sa Diyos, na hindi sya magnanakaw. At ang presidenteng pinagagalitan ang mga departamentong hindi nagagampanan ang mga tungkulin.
Isang oportunidad na naman ito para sa atin na makaahon sa kinasadlakang kurapsyon. Magtiwala tayo at tumulong. Makiisa tayo sa liga at adhikain ng bagong pangulo. Bago man natin husgahan ang kanyang pamumuno at ang ulo nyang manipis ang buhok, maging isa tayo sa pagbabago. Lahat ng malaking tagumpay, nagsisimula sa maliit. Sama-sama na tayo sa matuwid na daan. Kung walang corrupt, walang mahirap. :D
makabuluhang blog para kay Juan Dela cruz. MABUHAY ang lahing PINOY!! :D
Hi Rameses! Ang galing ng sinulat mo dito :) Keep it up! :) -Ate Liz
ReplyDeletethank you po sa comment.
ReplyDelete:))
god bless po ate Liz. :)