Monday, July 19, 2010

basang-basa sa ULAN!!!

Kaasar naman oh,.. pagtapos ng workshop edi syempre uwian na.. Umulan ba naman bigla?! Syempre ladies first kaya ayun, inuna na ni kuya Manuel yung mga babae at sinabay pauwi ng permanent.. andaya..
Pero bigla kong naisip,.. ano kaya kung ako yung nasa kotse? presko at tuyo? tapos yung babaeng nagpapasaya saken ang basa at giniginaw.. oo nga! Salamat kay kuya Manuel at inuna nya ang mga babae. Biglang gumaan pakiramdam ko nung maisip ko na nasa magandang kalagayan si happiness.. :P
Kaya yung mga kasama ko noong gabi na yun at basang-basa din, okey lang yun.. paka-gentlemen na rin kayo.. share ko lang. Kayo rin share nyo mga experience nyo. Kahit english barok. Ako nga tagalog mode muna ee.. ang importante ay laman ng blog. O, pano? lilo muna.. follow my next blog a.. :)

Sunday, July 18, 2010

AKALAIN NIYO YUN?

Shocks... :P I just won from our blogging workshop and got this mobile holder worth P 690.00! As a boy from Smokey mountain, this is a big thing for me.. Now my cellphone will not be just in my pocket cause it will have new home!
I really wanna say THANK YOU to kuya Ibba, kuya Ronnel, kuya Howard and all of them.. (sorry, I forgot the others.. ): ) But i've always thank you for what I accomplished.
This is not done yet my co-bloggers.. you can do it! And always remember that we blog not for prizes, but for the oppurtunity to be known who we are! Im starting to pursue this blogging and I'll give my best shots. :))

Saturday, July 17, 2010

alamat ni RAMESES :0

Kaya kong lumipad, magbuhat ng kotse, at mag- laser vision!!... Yun ay kung ako si Superman. Kaso hindi ee.. Isa lang akong simpleng “college student” mula sa magulong unibersidad ng PUP. Pero wag maliitin ang paaralan ko dahil ito lang ang kolehiyong P12.00 per. Unit at habang ngka-klase ay may mga dumadaan sa corridor na aktibista at sumisigaw ng “ISKOLAR NG BAYAN.. NGAYON AY LUMALABAN!” san ka pa? :)

Bago ako napadapad sa kolehiyo e, syempre dumaan muna ako sa madugong labanan, este sa masayang elementary life. Ako yung tipo ng bata na hindi namamansin ng kaklase, katabi, at mga tinderang matiyagang pumapasok sa klasrum para magbenta ng tikoy, pastilyas, at kung anu-ano pa. Ang hilig ko lang naman nung bata pa ko ay tiisin ang gutom at ibili ang baon ng mga laruan sa labas ng school na alam ng lahat na madaling masira. Kung simpleng estudyante ka rin na nagtitipid kaya nag-aral sa pubic school, malamang dumaan ka rin sa mga karanasan ko. (nagtitipid ang ginamit ko kasi parang pangit naman pag “mahirap”). Eto yung ilang karanasan ko sa elemetarya. Una na syempre yung mga nag-iiyakang bata na takot iwan ng mga magulang nila sa school. Eto pa. ang mga nakakatawang, nakaka-awang, nakakadiring inabutan ng hilab ng tiyan sa kasrum. Gigil na gigil sa kanila ang mga guro. Pero paglipas naman ng taon ay nawawala ang mga ganoong kaugalian ng mga bata.

Dito naman papasok ang “high school life”. Ang pinaka-masayang bahagi ng buhay estudyante. Di ko akalaing sa mabilis na apat na taon ko sa ‘timoteo paez’ ay magagawa ko ang mga karumal-dumal na gawain ng isang estudyante. Pero hindi ako naninigarilyo o nagdadala ng red horse sa C2 bottle kung yun ang akala mo. Ang hobby ko ay tumambay at mang-asar ng teacher. Saksi din ang school sa pagsulat ng pangalan ng crush sa desk. Heto pa, kung hindi mo pa nagawang paupuin ang teacher mo at ikaw ang magturo.. ako nagawa ko na (pinag-yabang pa ang kalokohan e, no?!). Saksi ang mga kaibigan kung ano talaga ako. Pero wala na sila ngayon sa tabi ko para umalalay dahil kailan lang ay naganap ang malungkot na yugto ng buhay “high school”,.. ang graduation (playing: FRIENDS FOREVER by: vitamin c) naiiyak ako.. :’( di ko malilimutan ang mga kaklase ko at ang mga kategorya nila. Nariyan ang mga ‘paparazzi’, ang mga classmate kong halos lahat ng sulok ng room ay may picture. Mga ‘boy and kris’, ang lakas nila sumagap ng tsismis pati sa ibang section. Mawawala ba ang mga ‘jimmy neutron’ halos sambahin ang guro. Oo, matalino pero kadalasan ay masungit. ‘jokers’ mga clown ng klase. Baka tulala lang ang mga estudyante kung wala silang ganito. Ang huli ay mga laging tulog. Mga kaanak ni Sandy Cheeks to. Naghi-hibernate sa lecture. (miyembro ako nito) :-0 …………. ……………… ………………… ………………… ……………………. AY!! Pasensya na muntik ako makatulog.. J pero sila talaga ang ilan sa dahilan kung ano ako ngayon.


Nang ma-survive ko ang apat na masayang taon sa high school,. College na rin!! Eto ako at buhay pa naman at humihinga. Akala ko dati hindi ko kaya pero heto akooo……. Basang-basa sa ulaaannn…. Walang masisilungan… wal-. Oops! Pesensya uli.. nadala ako ng emosyon. Bilang freshmen at PUPian, sisikapin ko na maging isang hwarang (huwaran yun. Idol ko kasi si hwarang hyoo shin) na estudyante. Napansin mo bang hindi ko binanggit ang pangalan ko mula kanina? Nga pala, ako si Rameses C. Banzuela Jr. laking smokey mountain Tondo, Mla. Dapat tandaan mo na ako ngayon palang dahil pag-graduate ko ng advertising ay makikita mo na ang pangalan ko sa mga sikat na komersyal. Sabi nga nila, “kung may tiyaga, malansa pa sa isda” ha? Anu daw? A basta. Patutunayan ko sa mundo—okay sige.. sa inyo muna.. masayadong malaki ang mundo eh,, na ako, isang batang puno ng pangarap at may weird na pangalan ay magtatagumpay.

Napaghandaan ko na ang buhay sa college. Pinanday na ako noong elemantarya, hinulma sa mataas na paaralan, at ngayon ay mamasahin ng kolehiyo. Oo, hindi ko kayang lumipad. Hindi rin ang magbuhat ng kotse o, maski mag- laser vision. Ganun man ay ipapakita kong kaya kong harapin ang bagong yugto ng aking buhay. Ang buhay kolehiyo.
:)

BEST NIGHT EVER!! :)

I have my best night last friday 16th 2010.. Imagine you have your mango shake with the girl that make you happy..
My first night to be with her.. I hope she's happy too that night.. :)

Tuesday, July 6, 2010


Hello bloggers!!! You know I've been thinking for my next blog when I remember my header, WHO IS RAM.. I really wonder who am I? Well, I introduce myself as a student who is full of hope and dream. As I type this words.. I thought who cares who am I? but I realized then that it's not important who cares but the thing is you express yourself, your opinions and your feelings. A good blog as I know must be worthreading for. And I want my readers to realize something after reading this blog.

I always express my feelings to my friends, amily and everyone cause we don't know when they will gone. I just simply want my readers to realize the importance of expressing yourself because time won't wait for us. We have to grab it itself.. To realize the value of ONE MONTH, ask a mother who gave birth to a premature baby. To realize the value of ONE WEEK, ask the editor of a weekly newspaper. To realize the value of ONE HOUR, ask the lovers who wait each other to meet. To realize the value of ONE MINUTE, ask a person who missed the train. To realize the value of ONE SECOND, ask a person who just avoided an accident. To realize the value of ONE MILLISECOND, ask an athlete who get second place in a race.

Time is gold. Treasure every moment you have,.. express yourself, show them who you are, live your life to the fullest. Yesterday is history. Tomorrow is mystery. Today is a gift. That's why it's called present!!

So show yourself now. Let them know who you are!! Im doing it.. (through BLOGGING).. :)

Friday, July 2, 2010

Awake,.. Smokey Mountain!! There's so many dreams in the large pile of garbage but most of this dreams are still only dream and not pursued.. because as always.. they're covered of smoke and waste that gives the children discouragement that they can achieve their dreams.
And i am one of those children. Meet me,. I'm Ram. Born in Smokey mountain. But I know I'm still fortunate to be a part of a blogging workshop. And being a part of this kind of workshop is a great responsibility, that's why my first blog was for other children of Smokey Mountain.

I know that there's so many people out there who want to help children but they don't know how. With the use of blogging, I will send to those people the dreams of Smokey mountain's children. In this blog, I carry the hope for Smokey mountain.

I challenge you to go up this mountain called smokey and you'll see the wide sea behind it. I believe that behind the inconvinient life of Smokey, WE can make our goals achieve through those kind-hearted peoples..



this is only the first.. :)


Saturday, June 26, 2010

...whosshh.. the world of blog will have a new member :)

watch out for my blogs cause they will be worth reading for.. ;P